^

Metro

Totoy pisak sa tren

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang batang lalaki makaraang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa may riles sa Sta. Cruz, Maynila nitong Martes ng hapon.

Patuloy pang  inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa apat na talampakan ang taas, nasa pagitan ng edad 9-12 taong gulang, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na pajama.

Sa inisyal na ulat ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, dakong alas-2:54 ng hapon nang maganap ang insidente sa may railroad track sa kanto ng Antipolo at Ipil Street sa Sta. Cruz.

Ayon sa batang si Eleseo Paragas, 11-taong gulang, naglalaro siya sa lugar nang makita niya na nabundol at nasagasaan ng tren ang biktima na hindi agad nagawang makaalis ng riles kahit na paparating ang tren.

Nasa kustodiya naman ng pulisya si Arjay Barlaan, ang operator ng PNR Locomotive train na may body number DEL 921.

Dinala na ang labi ng paslit sa Cruz Funeral Services habang hinihintay ang mga kapamilya niya para siya ay kilalanin.

PNR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with