^

Metro

Huwag maniwala sa breach of data

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon
Huwag maniwala sa breach of data
Iyan ang taktika ng natalong US Presidential candidate Donald Trump. Ang claim ni Trump — nagkaroon ng dayaan sa Vote Counting Machines (VCM). Tila iyan din ang pagkondisyon sa isipan ng mga Pilipino. Ginagawa ng mga sektor na ayaw tigilan ang isyu ng “data breach” — kahit pinabulaanan ito ng Comelec pati na ng mga IT experts at mismong NBI.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang “hatsing” na lang, election na. Habang nalalapit ang May 9 election, maraming tsismis ang kumakalat tungkol sa posibleng pandaraya sa ilalim ng computerized system.

Iyan ang taktika ng natalong US Presidential candidate Donald Trump. Ang claim ni Trump — nagkaroon ng dayaan sa Vote Counting Machines (VCM). Tila iyan din ang pagkondisyon sa isipan ng mga Pilipino. Ginagawa ng mga sektor na ayaw tigilan ang isyu ng “data breach” — kahit pinabulaanan ito ng Comelec pati na ng mga IT experts at mismong NBI.

Huwag guluhin ang isipan. Huwag pagdudahan ang election. Kahit sino pa ang manalo, kung batbat ng pagdu­duda ang mamamayan, magiging maligalig ang political situation. Malamang, ang mga grupong ito ay nakakaramdam na ng posibleng pagkatalo at naghahanap ng sisisihin kapag sila ay natalo.

Nilinaw na ng Comelec na walang access ang techno­logy vendor sa anumang impormasyon na makaaapekto sa May 9, 2022 automated elections. Tanging operational system lang ang saklaw ng vendor, at walang access sa anumang ibang information. Mismong ang NBI ang nagsabing mahigpit ang seguridad ng Comelec sa kanilang data.

Kahit ang mga eksperto sa information technology ay nagsasabing imposible ang “hacking”. Tanging operational­ systems material lamang ang data na nababanggit sa naturang “breach”. Ito mismo ay pinatotohanan ni Alex Ramos, isang IT expert mula sa Partido Federal ng Local­ Source Code Review (LSCR), na nagsabing ang di­umanong nakompromiso na data ay walang kinalaman sa election.

Kung ang mga eksperto sa teknolohiya, pati ang NBI, ay nagsasabing walang electoral data ang na-“hack”. Pero bakit mayroon pang nagpupumilit baluktutin ang katotohanan? Sino ang mga “Marites” na nasa likod ng pagkalat ng tsismis na ito? Naghahanda na ba ang mga grupong ito na maghain muli ng protesta sakaling matalo sila?

Abangan ang susunod na kabanata.

DONALD TRUMP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with