^

Metro

PNR ridership, bahagyang tumaas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkaroon lamang ng bahagyang pagtaas ang daily ridership ng Philippine National Railways (PNR).

Ito’y sa kabila nang pagkakaroon na ng face-to-face classes sa ilang paaralan at unibersidad, pag-iral na nang maluwag na COVID-19 restrictions at serye ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay PNR Spokesperson Atty. Celeste Lauta, mula sa dating daily passengers na 12,000 hanggang 13,000 ay naging 18,000 na ito sa ngayon.

“Hindi pa. Sustain pa din po tayo at 18,000 passengers. Tumaas naman po ng kaunti. Dati po 12,000, 13,000 ganyan,” pahayag pa ni Lauta, nang matanong, kung nagkaroon na ba nang pagtaas sa kanilang daily ridership.

Gayunman, mas mababa pa rin aniya ito kumpara sa kanilang kapasidad na hanggang 65,000 pasahero.

Kaugnay nito, inaasahan naman ni Lauta na sa sanda­ling tuluyan nang magbalik ang face-to-face classes ay mada­ragdagan pa ang kanilang mga pasahero dahil karamihan aniya ng kanilang mga pasahero ay mga estudyante.

Samantala, kinumpirma rin ni Lauta na nananatili pa rin ang pasahe ng PNR mula ?15 hanggang ?60.

PNR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with