^

Metro

Walang taas pasahe – LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Walang taas pasahe â LTFRB
Ito ay makaraang isnabin at hindi aksyunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon mula sa ibat-ibang transport group para sa taas pasahe .
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Walang magaganap na taas pasahe sa lahat ng pampublikong  sasakyan sa bansa lalo na sa mga jeep, bus, AUVs at  online vehicles tulad ng Grab taxi.

Ito ay makaraang isnabin at hindi aksyunan ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon mula sa ibat-ibang transport group para sa taas pasahe .

Magugunitang Ilang samahan ng jeepney group ay nagsampa kamakailan sa LTFRB na maitaas ang pasahe sa jeep dahil sa serye ng oil price hike na lubhang nakaapekto sa kanilang kabuhayan dahil sa bumabang kita dahil sa  tumaas  na presyo ng krudo.

Sinabi ni LTFRB chairperson Martin Delgra  na walang magaganap  na fare hike sa mga pampasaherong sasakyan dahilan sa iniiwasan ng Department of Transportation (DOTr) na pahirapan ang mga commuters.

Ayon kay  Delgra  na mas nakatutok ngayon ang DOTr na tugunan ang pangangailangang pinansyal ng sektor ng pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng mga service contract program at “Pantawid Pasada” cash aid kaysa sa pagtaas ng pamasahe.

Sa ngayon ang  presyo ng kada litro ng krudo ay P57  at P62 naman ang gasolina o may mahigit P1 halaga taas kada litro.

GRAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with