2 Koreano na ‘tulak’, tiklo sa buy-bust

Kinilala ni MPD Director PBGen Leo Francisco ang mga naaresto na sina Je Woo, 55, at Lee Jong Bum, 46, kapwa nakatira sa Balagtas Mansion, Balagtas Street, Pasay City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaresto ang dalawang Korean national nang makumpiska sa kanila ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu sa Malate, ng naturang lungsod.

Kinilala ni MPD Director PBGen Leo Francisco ang mga naaresto na sina Je Woo, 55, at Lee Jong Bum, 46, kapwa nakatira sa  Balagtas Mansion, Balagtas Street, Pasay City.

Sa ulat ng MPD-Malate Police Station 9, dakong alas-3:15 ng Martes ng madaling araw nang magkasa ang kanilang Drug Enforcement Team ng operasyon sa may Mabini Street, Malate.

Isang asset ng mga pulis ang nagpanggap na buyer at matagumpay na nakapagtransaksyon sa mga dayuhang tulak.  Hindi na nakapalag ang dalawang suspek nang sunggaban ng mga pulis makaraang magbigay ng hudyat ang poseur buyer.

Nakumpiska sa po­sesyon ng mga suspek ang walong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P680,000; isang P1,000 marked money at siyam na P1,000 boodle money.

Nakaditine ngayon ang dalawang suspek sa Malate Police Custodial Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Pro­secutor’s Office.

Show comments