^

Metro

Mag-live in, 4 pa timbog sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang mag-live in na mag-partner din sa  pagtutulak ng iligal na droga, habang apat nilang parukyano ang dinampot din ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isang operasyon sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mag-partner na sina Aries Pangilinan, 34, vendor at si Precious Alfaro, 29, isang online seller, kapwa residente ng Felina St., Sampaloc, ng naturang siyudad.

Nalambat din ang sinasabing mga parukyano na sina Alfred Paculan, 52; Christian Santiago, 26; Liza Tapales, 38 at Rosemarie Andicoy, 55.

Sa ulat ng MPD-Sta. Cruz Police Station 3,  nagkasa ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng operasyon dakong ala-1:30 ng madaling araw sa may A.H. Lacson Avenue malapit sa Laong Laan St., sa Brgy. 352, Sampaloc.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang SDEU na may nagaganap na iligal na transaksyon sa droga sa naturang lugar.  Tiniktikan ng mga pulis ang lugar at nang magpositibo ay pinalibutan ang mga suspek saka sila inaresto.

Nakumpiska sa mga ito ang 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 55 gramo at may street value na P334,000.00.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Dangerous Drug Act of 2002) sa Manila Prosecutor’s Office.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with