^

Metro

Omicron wave posibleng matapos sa Marso o Abril - OCTA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Omicron wave posibleng matapos sa Marso o Abril - OCTA
Health workers conduct house-to-house antigen testing for residents of West Rembo in Makati City on Tuesday, Jan. 18, 2022. The activity is part of COVID-19 response program of the office of the Vice President Leni Robredo. DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, said 15 areas in Metro Manila already have cases of the highly transmissible Omicron coronavirus variant.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — May posibilidad na magtapos sa buwan ng Marso o Abril ang kasalukuyang ‘Omicron wave’ sa bansa na maaaring magtapos sa buwan pa Marso o Abril.

“We are hoping na by around March to April ay tapos na ‘yung Omicron wave sa buong bansa natin, which means baka makikita natin na less than 1,000 cases per day, pero hindi pa guaranteed ‘yon,” ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa briefing.

Sinabi pa ni David na maaaring hanggang Abril pa ang Omicron wave dahil sa nag-uumpisa pa lamang ito sa ibang rehiyon kumpara sa Metro Manila na pababa na ang mga kaso.

“Medyo matatagalan ‘yung Omicron wave kasi kahit na medyo bumababa na sa NCR, Cavite, Rizal, pataas pa lang sa ibang lugar at may mga lugar na hindi pa nagkakaron ng pagtaas eh,” dagdag niya.

Umaasa naman si David na maaaring maibaba na ang Alert Level 2 sa Metro Manila sa kalagitnaan ng Pebrero kung magpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso o mas mababa na sa 2,000 kaso kada araw.

Kailangan umano ng publiko na habaan ang pasensya dahil sa hindi dapat magkaroon ng muling pagtaas ng mga kaso at muling maapektuhan ang buhay ng lahat kung magiging ‘premature’ ang pagbababa sa restriksyon.

“Mas mabuting siguraduhin na nating bumaba at bumagsak ‘yung bilang ng kaso katulad nung nakita natin nung October, November to December siguro bago tayo magluwag,” paliwanag pa ni David. — Angie dela Cruz, Malou Escudero

OMICRON VARIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with