^

Metro

Pagbabakuna sa market vendors sa Quezon City, mas pinaigting

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna sa market vendors sa Quezon City, mas pinaigting
Nito lamang nakalipas na araw ay umabot sa 234 na mga vendors at manggagawa sa ibat-ibang mga palengke sa QC ang naturukan na sa unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.
The STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Patuloy na nadaragdagan ang mga market vendors mula sa Novaliches sa lungsod Quezon na nagpapabakuna at nakatanggap pa ng P2,000 ayuda.

Ito ay bahagi pa rin ng mas pinalawak at pinaigting na pagbabakuna ng QC government.

Ang pagkakatukoy sa hindi bakunado pero patuloy na nagtitinda sa mga palengke ay kasunod ng isinagawang pag-iikot at inspection ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS)  at QC Market Development and Administration Department para mailista ang mga vendors na hindi pa bakunado at walang maipakitang vaccination card.

Sa Quezon Memorial Circle vaccination site inihatid ng QC bus ang mga vendor upang mabakunahan ng kanilang first dose at pagkatapos ay binibigyan pa ang mga ito  ng tig P2-libo bilang incentives.

Nito lamang nakalipas na araw ay umabot sa 234 na mga vendors at manggagawa sa ibat-ibang mga palengke sa QC ang naturukan na sa unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

 

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with