Bahagi ng Roxas Boulevard, isasara tuwing gabi

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaraan sa Roxas Boulevard sa nakatakdang pagsasara ng mga porsyon nito tuwing gabi upang bigyang-daan ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension project.

Mag-uumpisa ang pagsasara sa bahagi ng Roxas Blvd. mula EDSA Extension hanggang Brado Avenue-southbound sa Enero 20 para sa instalasyon ng ‘main girder, support beam at span’ ng LRT Line 1.

Pinayuhan ng MMDA ang mga maaapektuhang moto­rista na sundin ang ilalatag na alternatibong ruta.  Magla­latag naman ang ahensya ng mga ‘directional signs’ para gabayan ang mga tsuper.

Para sa mga behikulo na patungo sa EDSA Extension, kailangan nilang kumaliwa sa Macapagal Avenue; ang mga patungo ng southbound ay padaraanin sa service road ng EDSA flyover at kakanan sa EDSA Extension.

Ang paiba-ibang oras naman ng paggawa sa Roxas Blvd. ay dulot umano ng interupsyon sa kuryente sa naturang lugar sa nabanggit na mga petsa.

Show comments