^

Metro

Estudyante dedo sa motorsiklo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang estud­yante nang mawalan ng kontrol ang minamaneho niyang  motorsiklo sa Malabon City, ka­makalawa ng madaling araw.

Dead-on-the-spot si Hyver-Zon Rendon, 18,  ng  PNR Compound, Samson Rd, Brgy. 73, Caloocan City dahil sa  tinamong pinsala sa ulo.

Sa report ni PEMS Francisco Verzosa kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong ala-1:20 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Victoneta Avenue sa Brgy. Potrero, Malabon City.

Base sa CCTV footage  sakay ang biktima sa isang Yamaha Mio at mabilis na tinatahak ang naturang lugar nang tumama sa isang hump.

Nawalan ng kontrol ang biktima sa motorsiklo hanggang sa sumemplang at tumama ang kanyang ulo sa semento na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

PNR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with