^

Metro

Wala munang Christmas party’ - PNP chief

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Wala munang Christmas partyâ - PNP chief
File photo of a man arranging Christmas lanterns for sale in Manila.
Interaksyon / Bernard Testa

MANILA, Philippines — Kung si Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos ang tatanungin, mas makabubuti kung wala munang Christmas party habang nanatili ang banta ng COVID-19.

Ayon kay Carlos, maging ang pagtitipon o Christmas party ay limitado sa mga magpapamilya  at fully-vaccinated.

“The PNP discourages the holding of traditional Christmas gathering among family members, co-workers, schoolmates and circle of friends while the threat of COVID-19 and its variants continue to raise public health concerns,” ani Carlos.

Matatandaang sinabi noon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinapayagan na ang  Christmas party sa mga pami-pamilya lamang.

Wala umanong katiyakan na hindi magkakahawaan sa pagtitipon dahil hindi na naisasaalang-alang dito ang social distancing at iba pang health protocols.

Binigyan diin ni Carlos na hindi dapat na makampante ang publiko lalo na ngayong may bagong variant na Omicron.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with