^

Metro

Mayor Marcy: 30K indibiduwal sa Marikina, target mabakunahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mayor Marcy: 30K indibiduwal sa Marikina, target mabakunahan
Ang mga residente sa Makati City na kabilang sa mga nabakunahan kahapon sa Makati Coliseum sa pagsisimula sa tatlong araw na National Vaccination Day na inilunsad ng pamahalaan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na target ng city government na makapagbakuna ng may 30,000 indibiduwal sa tatlong araw na National COVID-19 Vaccination Drive sa bansa na umarangkada na nitong Lunes.

Ang pahayag ay ginawa ni Teodoro, nang pangunahan ang kick-off ceremony ng naturang nationwide vaccination rollout, na isinagawa sa Marikina Sports Complex, kasama sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, at iba pang opisyal ng DOH, Department of Interior and Local Go­vernment (DILG), at ng city government.

Nabatid na ang lungsod ng Marikina ang napili ng DOH para sa ceremonial kick-off ng nationwide vaccination drive dahil sa maayos na COVID-19 inoculation sa lungsod.

Una nang idineklara ni Pang. Rodrigo Duterte na National COVID-19 Vaccination Days ang Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 upang mas maraming mamamayan ang maturukan ng bakuna laban sa COVID-19, lalo na ngayong nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan.

Nakatanggap naman ang Marikina ng 30,000 doses ng COVID-19 vaccines mula sa national government, na siyang gagamitin ng lokal na pamahalaan sa natu­rang massive vaccination drive.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with