^

Metro

Miyembro ng ‘Limos motornapping gang’ timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng âLimos motornapping gangâ timbog
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ang naares­tong suspect na si Ha­rold Saballoro, 19, helper ng Bagong Barrio, Brgy., 132 ng lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang miyembro ng ‘Limos motornapping gang’ matapos na magbenta ng baril sa isang police poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Caloocan, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ang naares­tong suspect na si Ha­rold Saballoro, 19, helper ng Bagong Barrio, Brgy., 132 ng lungsod.

Una nang nakatanggap ng tip ang pulisya sa presensya ng suspect na nagbebenta ng baril sa lugar.

Ikinasa ang operas­yon matapos makumpirma ang impormasyon.

Dahil dito , agad namang nag-dispatch si  District Special Operations Unit (DSOU) Chief P/Lt. Col. Jay Dimaandal ng mga tauhan sa bisinidad ng Bagong Barrio upang magsagawa ng surveillance operation laban sa ilegal na aktibidades ng suspect.

Nakumpiska mula sa suspect ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala at P1,000 buy- bust money.

Bukod sa ilegal na pagbebenta ng mga baril, sinasabing ang suspect ay isa sa lider ng ‘Limos Motornapping gang’, isang grupong kriminal na sangkot sa serye ng motornapping sa Caloocan City at mga karatig lalawigan.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng mga awtoridad laban sa iba pang miyembro ng grupo ng sindikato.

NPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with