^

Metro

‘Di pa kami nakakahinga’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
âDi pa kami nakakahingaâ
A health worker takes a break after visiting suspected COVID cases in Tondo, Manila.
Krizjohn Rosales, file

Mga doktor kabado sa Alert Level 3 sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Nangangamba ang mga doktor sa bansa sa desisyon ng pamahalaan na ibaba ang Alert Level 3 sa Metro Manila kahit na hindi pa umano nakakahinga ang mga doktor matapos ang ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians, na nag-aalala rin sila na baka hindi agad makaresponde ang pamahalaan kapag muling tumaas ang mga impeksyon dahil sa kakulangan na ng mga healthcare workers.

“Medyo nangangamba kami na itong pagluwag na ito, base sa nakaraan, every time na nagluluwag tayo, medyo may kasamang pagkalimot ang ating mga kababayan,” ayon kay Limpin.

Sa kabila ng pagbaba ng mga kaso, marami pa rin umanong natitira sa mga pagamutan na malulubha ang kundisyon.

“Puno pa rin kami, ma­dami pa rin ang COVID-19 cases natin. Puno ang ICU (intensive care unit), emergency wards, although di na talaga siya tulad ng dati. Within the day, naa-admit na namin ang kailangan namin i-admit,” ayon sa doktora.

“Except kung sabihin natin nakakahinga na kami, di pa rin kami nakakahinga sa ngayon.”

Marami ring ospital ang kulang sa tauhan dahil sa pagbibitiw ng marami at pagtungo sa ibang bansa lalo na sa United Kingdom at sa Estados Unidos na mas malaki ang suweldo.

Kung dati, umaasa sila na ang mga bagong doktor at nurse ang humahalili sa mga umaalis ng bansa, sa ngayon ay hindi ito maaari dahil sa kanselado ang eksaminas­yon ng Professional Regulatory Commission (PRC).

COVID-19

DOCTORS

HEALTH WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with