_ngayon
^

Metro

Curfew sa Metro Manila, mas pinaiksi pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Curfew sa Metro Manila, mas pinaiksi pa
Kahapon, nagkaniya-kaniyang post na sa kanilang mga social media pages ang mga information officers ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng curfew mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng mada­ling araw. Ito ay mula sa dating curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
The STAR / Miguel de Guzman, file

Mula 12 midnight hanggang 4 am

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng mga alkalde na miyembro ng Metro Manila Council (MMC) ang pinaiksing ‘curfew hours’ na uumpisahang ipatupad ngayong Miyerkules upang makatulong sa pagpapanumbalik ng ekonomiya.

Kahapon, nagkaniya-kaniyang post na sa kanilang mga social media pages ang mga information officers ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng curfew mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng mada­ling araw. Ito ay mula sa dating curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Unang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ito ay upang hayaan ang mas maluwag na galaw ng tao patungo sa kapaskuhan habang bumababa ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sinabi ni Abalos na malaking dahilan ng pag­luluwag ang pagbaba ng halos kalahati ng mga kaso sa NCR. Mula sa 38,471 kaso noong Setyembre 16, naitala ito sa higit 17,000 na lamang sa pag-uumpisa ng Oktubre.

Mula naman sa 1.25 reproduction number, bu­maba na ito sa 0.61 nitong ­Oktubre 8 habang ang 2-week growth rate ay nasa -41.84 na nitong Oktubre 9 mula sa dating 24.33.

Bumaba na rin nang husto ang occupation rate ng mga pagamutan sa ­Metro Manila. Sa mga isolation facilities, naitala ito noong Oktubre 10 sa 42% mula sa 73% noong Set­yembre 15, ang mga isolation hotels ay nasa 76% mula sa dating 91% at ang mga temporary treatment cen­ters ay nasa 32% mula sa dating 76%.

Halos nasa 77% na rin ang mga residente ng Metro Manila na kumpleto na ang bakuna o 7.5 mil­yon. Inaasahan na aabot ang vaccination rate sa rehiyon sa 86% pagsapit ng ­Nobyembre 10.

CURFEW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with