7 opisyal ng ospital pinakakasuhan ng NBI

Kinilala ni NBI-Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga opisyal ng Tricity Medical Center (TMC) na sina Dr. Enrico Cruz, hospital administrator; mga miyembro ng board of directors na sina Dr. Gjay Lalu Ordinl; Dr. Froilan Antonio De Leon; at Dr. Lourdes Rhoda Reyes Padilla; RN ng pagamutan na si Cherry Catalan Flores; Philhealth Staff ng ospital na si Arlene Joy Sebuc; at hospital clerk na si Svend Agodilos Rances.
STAR / File

Dahil sa pekeng Philhealth claims

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice ang pagsasampa ng kaukulang mga kaso laban sa pitong opisyal ng isang pagamutan sa Pasig City dahil sa nadiskubreng mga pekeng claims sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kinilala ni NBI-Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga opisyal ng Tricity Medical Center (TMC) na sina Dr. Enrico Cruz, hospital administrator; mga miyembro ng board of directors na sina Dr. Gjay Lalu Ordinl; Dr. Froilan Antonio De Leon; at Dr. Lourdes Rhoda Reyes Padilla; RN ng pagamutan na si Cherry Catalan Flores; Philhealth Staff ng ospital na si  Arlene Joy Sebuc; at hospital clerk na si Svend Agodilos Rances.

Ayon kay Distor, isang intelligence report ang nakarating sa Anti-Graft Division noong Enero 8, 2020 ukol sa posibilidad na pa­niningil ng naturang pagamutan ng mga claims sa PhilHealth sa sinasabing mga pasyente ng hemodialysis.  Ayon sa ulat, walang aktuwal na mga pasyente o kaya naman ay patay na sa mga sinasabing hemodialysis treatment.

Nagkasa ng imbestigasyon ang NBI na umabot ng higit isang taon. Dito natuklasan na may 318 kuwestiyonableng claims ang TMC na aabot sa kabuuang halagang P824,200.00. Posible rin umano na mas mataas at umabot sa P4.3 milyon ang nasingil ng pagamutan mula 2016-2019 base sa database ng Philhealth.

Nitong Setyembre 20, inire­komenda ng NBI-AGD na sampahan ang pitong opisyal ng pagamutan sa DOJ ng Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code at paglabag sa Section 44 ng RA 7875 o National Haelth Insurance Act of 2013.

Show comments