Yorme inaming nakipagpulong kina Leni at Manny

MANILA, Philippines — Umaasa ngayon si Manila City Mayor Isko Moreno na magkakaroon na ng desisyon sa mga darating na araw ang mga pinag-usapan sa pakikipagpulong niya kamakailan kina Vice President Leni Robredo at Senador Manny Pacquiao.

Kinumpirma ni Moreno kahapon na nagkaroon nga ng pulong sa pagitan nilang tatlo ngunit tumanggi na sabihin kung ano ang kanilang napag-usapan.

“I’m not in the liberty to discuss the details. But I can confirm there was a meeting and hopefully there will be more meetings na puwede namin pag-usapan ang mga bagay-bagay.,” ayon kay Moreno.

“I’m very optimistic that things will be better when we heal the wounds with our fellowmen mas madaling makakamove-on. And I’m hopeful decisions will be made in a couple of days now,” dagdag pa ng alkalde.

Show comments