Trike driver pinabulagta sa Tondo

Nakilala ang nasawi na si July Jason Buros, 32, binata, miyembro ng ‘Sputnik Gang ‘at nakatira sa Smokey Mountain, Balut, Tondo. Pinagha-hanap ngayon ang suspek na nakilala lamang sa alyas na JR Justiniano.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng nag-iisang suspect na nag-aabang sa isang eskinita sa Tondo, Maynila nitong Biyernes ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si July Jason Buros, 32, binata, miyembro ng ‘Sputnik Gang ‘at nakatira sa Smokey Mountain, Balut, Tondo. Pinagha-hanap ngayon ang suspek na nakilala lamang sa alyas na JR Justiniano.

Sa ulat ni Det. Jornaln Taluban, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maganap ang pamamaslang sa Dayao Street, Purok 3, Balut, Tondo.

Mag-isang naglala­kad sa eskinita ang bik­tima nang sumulpot ang suspek na walang sabi-sabing pinagbabaril si Buros saka tumakas.

May teorya ang pulisya na ilegal na droga ang ugat ng pamamaslang dahil sa kila-lang sangkot din ang biktima sa distribusyon nito sa kanilang lugar.

Show comments