^

Metro

World class na Manila Zoo project matatapos na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng buksan na ang  modernong Manila Zoo na kapantay ng mga world-class na  zoo sa ibang bansa at inaasahang makukumpleto na sa pagtatapos ng 2021

Ito ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno makaraang magsagawa ng ocular inspection kasama sina city engineer Armand Andres, city architect Pepito Balmoris at city electrician Randy Sadac.

Sa unang araw umano nang pagbubukas, unang bisita ang mga manggagawa at ang kanilang pamilya  na tumulong sa paggawa nito, bilang pagpapakita nang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang dedikasyon na tapusin ang proyekto sa kabila ng pandemya.

Ang redevelopment ng Manila Zoological and Botanical Garden o Manila Zoo sa Malate, Manila, sa sandaling matapos ay siyang magiging handog ng lokal na pamahalaan sa mga residente at mga bata sa Maynila, ayon sa alkalde.

Ang Manila Zoo ang kauna-unahang  zoo sa Asya na may 61 taon na.

Matatandaang ipinasara ang Manila Zoo nang umupo si Moreno dahil natukoy na main polluter  ng Manila Bay at  ipinaayos para makatugon sa environmental laws.

 

MANILA ZOO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with