P25 milyong puslit na mga gamot nasabat sa Maynila

MANILA, Philippines — Aabot sa P25 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng medical drugs ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na ilegal na nakapasok sa bansa sa isang operasyon sa Pasay City nitong Hulyo 27.

Sinalakay ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang pinaglagakang bodega sa Pasay City ng mga gamot na karamihan ay mga German drugs sa bisa ng Letter of Authority (LOA) mula kay Commissioner Rey Leonardo Guevarra.

Kabilang sa mga nakumpiska ay Cactua Composituma para sa coronary circulatory disorder at Testis Compositum.  Ang iba pang gamot na nasabat ay panggamot sa sakit  sa atay at pagpapababa ng kolesterol.  

Pawang mga walang ‘import permits’ ang mga nasabat na gamot na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng Port of Manila. Naglabas na ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) para makumpiska ang mga gamot sa ilalim ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

“The Port of Manila strongly warns against the use of unauthorized medicines (those without permits) and also reminds the public that any medication must be taken under the supervision of an attending phycisian,” ayon kay Guerrero.

Show comments