_ngayon
^

Metro

PNP maghihigpit sa pagpapatupad sa curfew sa ECQ

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PNP maghihigpit sa pagpapatupad sa curfew sa ECQ
Ayon kay Eleazar, inatasan na niya si National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Maj Gen. Vicente Danao, Jr., na tiyaking maayos at nasa sistema ng paghihigpit sa mga border mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar  na mas hihigpitan ang  pagpapatupad ng  curfew  sa National Capital Region (NCR) sa Biyernes (August 6) sa muling implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Eleazar, inatasan na niya si National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Maj Gen. Vicente Danao, Jr., na tiyaking maayos at nasa sistema ng paghihigpit sa mga border  mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Aniya, ang mas mahabang curfew sa NCR mula alas-8 ng gabi hanggang alas- 4 ng umaga at istriktong border control ay makakatulong upang mapigilan ang mass gathering at super spreader events.

Bagama’t nauunawaan niya ang “qua­rantine burnout” na nararamdaman ng mga mamamayan, sinabi ni Eleazar na maling  sabihin na walang nagagawa ang paghihigpit.

Hinimok ni Eleazar ang publiko na sunding maigi ang minimum health safety standards at quarantine protocols para maiwasan ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant.

Nakita na aniya ang epekto ng Delta variant sa India at nararapat lang ang agarang aksyon ng pamahalaan bago mauwi sa sisihan.

Ikinatuwa ni  Eleazar ang tulong ng walong local government units sa Metro Manila sa pagdedeklara ng liquor ban sa loob ng  dalawang linggo.  Samantala, tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na magiging mas istrikto ang ipatutupad nilang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila .

Ayon kay Año, ang lahat ng mga lalabag sa ipinaiiral na minimum public health standards (MPHS) ng pamahalaan ay sisitahin muna ng mga pulis at kung hindi tatalima ang mga ito sa instruksiyon na ibibigay sa kanila ay kaagad silang aarestuhin

Papatawan din aniya ang mga ito ng parusa base sa ipinatutupad na mga ordinansa na inilabas ng mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ng kalihim na magpapakalat din sila ng mga police personnel sa mga lugar na madalas na maraming tao at nagkaroon na ng mga dating paglabag.— Mer Layson

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with