_ngayon
^

Metro

P863 million shabu samsam, 3 Tsino timbog sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P863 million shabu samsam, 3 Tsino timbog sa buy-bust
Ang mga suspek na nakilalang sina Wille Lu Tan alyas Chen Bien, 42; Antong Wong alyas Wang Zhong Chun/Wang Min, 28, at Chen Zhin, 79, pawang mga Chinese nationals ay nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong Chinese national na umano’y mi­yembro ng transnational syndicate ang arestado matapos na mahulihan ng mga awtoridad ng 127 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P863,600,000 sa isang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City kahapon ng umaga.

Ang mga suspek na nakilalang sina Wille Lu Tan alyas Chen Bien, 42;  Antong Wong alyas Wang Zhong Chun/Wang Min, 28, at Chen Zhin, 79, pawang mga Chinese nationals ay nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD)-Novaliches Police Station 4 ang mga suspek sa buy-bust operation na ikinasa sa Magsaysay St., Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 127 kilos ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang vacuum-sealed na plastik na lalagyan ng mga tsaa at may tatak na Chinese character, at tinata­yang nagkakahalaga ng P863,600,000.

Ayon kay Director Adrian Alvarino, hepe ng PDEA Intelligence and Investigation Service (PDEA-IIS), ang mga suspek ay pawang mi­yembro ng isang malaking transnational syndicate na sangkot sa pagbebenta ng shabu sa bansa.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with