_ngayon
^

Metro

Ex-police na lider ng gun-for-hire group, sumuko

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumuko na sa PNP ang dating pulis na si Wilson Magpali na sinasabing lider ng gun-for-hire syndicate na ‘Magpali Group’.

Si Magpali ay dating police lieutenant colonel ay  sinibak sa serbisyo matapos masangkot sa mga pagpatay, ang grupo nito ay nag-ooperate sa Ilocos-Pangasinan region.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, naka­ramdam ng pressure sa manhunt operation si Magpali kaya ito sumuko.

Personal na humarap si Magpali sa PNP Intelligence Group kahapon kasama ang kanyang abogado.

Nagsumite rin sya ng affidavit para linisin ang kaniyang pangalan. Aniya, natatakot siya sa kaniyang buhay at minabuti niyang humarap sa imbestigasyon.

Itinanggi niya na lider siya ng’ Magpali gun-for-hire group’ at walang alam sa planong pagpatay sa mga pulitiko sa La Union.

Sa ngayon ay nasa PNP-IG ang suspek para sa temporary custody. Matatandaang 2019 nang magsimulang magtago si Magpali makaraang masangkot sa pagpatay sa isang Fredi Ramirez sa Pangasinan.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with