_ngayon
^

Metro

Huling SONA , sinalubong ng kilos-protesta

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Huling SONA , sinalubong ng kilos-protesta
Hinarang ng mga tauhan ng pulisya ang mga militanteng grupo buhat sa ibat-ibang orga­nisasyon na nagmartsa buhat sa UP Diliman patungo sa Commonwealth Avenue sa may St. Peter Church sa huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, kahapon.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Tulad nang inaasahan, sinalubong ng kilos-protesta ng iba’t ibang militante at prog­resibong grupo ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Rodrigo Duterte sa Quezon City kahapon ng hapon.

Alas-8:00 pa lamang ng umaga ay nagtipun-tipon na ang mga raliyista sa Diliman campus ng University of the Philippines (UP) sa Quezon City upang magsagawa ng protesta.

Makikitang inoobserbahan naman ng mga ito ang health protocols ng pamahalaan laban sa COVID-19 dahil sa pagkakaroon ng physical distancing sa kanilang hanay at pagsusuot din nila ng mga face masks.

May bitbit din ang mga ito na mga tarpaulins, flags at mga streamers.

Samantala, pinangunahan naman ng Rise Up for Life and Human Rights group ang isang panalangin bago ang protesta.

Pagsapit ng alas-11:00 ng umaga ay nagtungo na ang mga raliyista sa Commonwealth Avenue upang isagawa ang kanilang protesta na tinawag na “WakaSONA.”

Ipinarada nila rito ang 50 comics na kinabibilangan ng 2D effigy  na nilikha ng UGATLahi Artist Collective upang ipakita ang anilay pagkapit sa kapangyarihan ni Pang. Duterte, matapos na magpahayag ng intensiyon na tumakbo sa pagkapangalawang pangulo sa 2022 polls.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes Jr., tutol ang mga grupo sa planong muling pagkandidato ng pa­ngulo at umano’y paglikha ng political dynasty.

Nais din aniya nilang ito na ang maging huling SONA ng pangulo.

Samantala, may 15,000 pulis naman ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) upang mahigpit na magbantay sa SONA at sa mga raliyista. Mahigpit ang kautusan sa kanila ni PNP chief P/Gen. Guillermo ­Eleazar na payagan ang mga protesta at magpatupad ng maximum tolerance.

Habilin din niya na manita ng mga lalabag sa health at safety protocols, at sitahin ang mga menor-de-edad at senior citizens na sasali sa rally.

Binalaan din naman ni Eleazar ang mga raliyista na mapipilitan silang kaagad na ipatigil ang kanilang protesta kung hindi maoobserbahan ang health protocols.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with