_ngayon
^

Metro

Maglola na-trap sa sunog, patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Maglola na-trap sa sunog, patay
Batay sa ulat, mag-isa lang ang lolang si Pacita Demagos sa loob ng kanilang stall sa public market sa Camarin, Brgy. 175 nang biglang sumiklab ang sunog dakong alas-12 ng hatinggabi.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay sa sunog ang bedridden na lola at kanyang 26-anyos na apo matapos ma-trap sa nasusunog nilang stall sa loob ng isang public market sa  Caloocan City.

Batay sa ulat, mag-isa lang ang lolang si Pacita Demagos sa loob ng kanilang stall sa public market sa Camarin, Brgy. 175 nang biglang sumiklab ang sunog dakong alas-12 ng hatinggabi.

Halos matupok na ng apoy ang stall nang dumating ang apo ni Demagos na si Edwin Mendoza, at tinangka nitong iligtas ang kanyang lola.

Gayunman, dahil sa makapal na usok mula sa nasusunog na linoleum floo­ring materials na ibinebenta nila sa kanilang stall ay hindi nagawang makalabas ni Mendoza matapos ma-suffocate.

Ang bangkay ng mga biktima ay narekober kalaunan ng mga tauhan ng bumbero mula sa nasunog na stall.

Ayon sa Caloocan City Bureau of Fire Protection, umabot sa second alarm ang sunog bago idineklarang fire out bandang ala-1 ng mada­ling araw.

Patuloy ang imbestigas­yon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian.

PACITA DEMAGOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with