_ngayon
^

Metro

Gulay distribution umarangkada sa Malabon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong tumitindi ang banta ng  pandemyang  dulot ng  COVID-19, may tugon ang Malabon LGU upang mabigyan ng proteksiyon, malusog at malakas na pangangatawan ang mga residente kasabay ng selebrasyon ng  Nutrition Month.

Kahapon ay pinangunahan nina Mayor Lenlen Oreta at District II Councilor Enzo Oreta ang pamamahagi ng  gulay, bigas, itlog at vitamins sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Unang inlunsad ang “Kalinga Para sa Kalusugan Project,”  na naglalayong matutukan ang  kalusugan at pangangatawan ng mga residente. Aniya, patunay  lamang na prayoridad  ng lungsod ang kalusugan ng Pamilyang Malabonian.

Ayon kay Oreta, patuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng mga gardening kits sa ilalim ng “Gulay Is Life Program,” katuwang ang Cuble ity Environment and Natural Resources Office (CENRO) upang mahikayat ang mga residente na tangkilikin ang mga masustan-­ s­yang pagkain.

Samantala, ayon naman kay Mary Jane Dimitui, ng General Parents Teachers Association (GPTA) Sector, malaking tulong ang programa ngayong panahon ng pandemya  na makatutulong sa pagpapalakas ng  immune system ng bawat indibiduwal.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with