_ngayon
^

Metro

P2.3 billion ukay-ukay at counterfeit items, nakumpiska ng BOC-MICP

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) ang may P2.3 bilyong halaga ng mga smuggled ukay-ukay o used clothings, na kinabibilangan pa ng mga counterfeits ng mga luxury-brand items mula sa isang bodega sa Valenzuela City.

Ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na anti-smuggling campaign ng BOC-MICP na naging posible sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at koordinasyon sa Enforcement and Security Service (ESS) ng Port, Philippine Coast Guard (PCG), at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Nabatid na na-ging mabilis ang aksiyon ni Alvin Enciso, hepe ng CIIS-MICP, sa impor­masyong natanggap na nagresulta sa pagkakakumpiska ng counterfeit items at smuggled products.

Kaagad rin namang nag-isyu si Customs Commissioner Rey Leo-nardo Guerrero ng Letter of Authority (LOA) kaya’t nakapagsagawa sila ng agarang inspek­siyon sa warehouse sa Mayzan, Valenzuela City.

Sa inspeksiyon, nadiskubre ng composite team ang mga counterfeit items ng mga luxury brands na Nike, Louis Vuitton, at Christian Dior, gayundin ang mga illegally imported na pakete ng mga used clothing, face masks, at iba pang imported items.

Matapos ang ins­peksiyon at pagkakakita ng pruweba ng mga smuggled pro-ducts, naglabas naman kaagad si MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales ng Warrant of Seizure and Detention dahil sa paglabag sa Customs Moder-nization and Tariff Act.

Naniniwala naman si Rosales na ang ille­gal trade ng mga face masks nang walang ka­ukulang permits at lisen­siya ay mayroong nega-tibong epekto sa public health.

BUREAU OF CUSTOMS UKAY-UKAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with