_ngayon
^

Metro

Population protection sa NCR posible sa Setyembre – OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Population protection sa NCR posible sa Setyembre â OCTA
“Kung tutuloy-tuloy itong NCR Plus 8, ang projection namin is by September, October maaabot na natin ‘yung sinasabi nating population protection dito sa National Capital Region, NCR Plus,” sabi ni Professor Ranjit Rye.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Posibleng makopo ng National Capital Region (NCR) ang population protection sa Setyembre kung ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagprayoridad  sa  NCR Plus 8 areas  sa  COVID-19 vaccination program.

Ito ang pahayag ni Professor Ranjit Rye ng  OCTA Research team kaugnay ng programa sa pagbabakuna ng pamahalaan sa NCR.

“Kung tutuloy-tuloy itong NCR Plus 8, ang projection namin is by September, October maaabot na natin ‘yung sinasabi nating population protection dito sa National Capital Region, NCR Plus,” sabi ni  Rye.

Una nang  giniit ng OCTA sa pamahalaan na ipagpatuloy ang pagprayoridad sa NCR Plus 8  sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines bagamat limitado ngayon ang suplay

Ang NCR Plus 8 ay kabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Pampanga, Metro Cebu, at Metro Davao .

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with