_ngayon
^

Metro

2 huli sa higit P9 milyong ecstasy

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
2 huli sa higit P9 milyong ecstasy
Nabuko ang illegal drugs nang idaan ito sa x-ray scanning ng X-ray Inspection Project (XIP NAIA) at K-9 sniffing.
The STAR/Rudy Santos, file

MANILA, Philippines — Huli ng Bureau of Customs (BOC) - Port of NAIA,  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), ang claimants ng 5,637 tablets of ­ecstasy o ‘Party Drugs’ na itinago sa Foot Spa Machine na may street value na P9,582,900 matapos ang isinagawang joint controlled delivery operation sa QC Philpost Office kahapon. 

Sinabi ni Port of NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, ang parsel ay dumating noong June 28, 2021, galing Neuss, Germany, at dineklarang  “Childrens Toys, Somer Sandals, Bag, Socks, Pants, Rain Boots, at Birthday Stock”.

Nabuko ang  illegal drugs nang idaan ito sa x-ray scanning ng X-ray Inspection Project (XIP NAIA) at K-9 sniffing.

Dahil sa 100% physical examination na ginawa ng customs examiner nakita nito ang mga droga. 

Hindi muna pinangalanan ang claimant na nahuli dahil nagsasagawa pa ng follow up operations ang mga awtoridad.

 

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with