^

Metro

2 bebot timbog sa P2.8 milyong shabu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 bebot timbog sa P2.8 milyong shabu
Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Emma David, 48, at Mercy Sedon, 46.
Artemio A. Dumlao

MANILA, Philippines — Aabot sa P2.8 mil-yon halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang hinihinalang drug personalities na naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Emma David, 48,  at Mercy Sedon, 46.

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., dakong alas-8:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust ope­ration sa Babanse St., Brgy. NBBS Kaunlaran.

Agad na inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos benta-han ng P34,000 halaga ng shabu ang isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ng droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 420 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P2,856,000.00.

Pinuri ni National Ca-pital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Vicente Danao Jr. ang mga operatiba ng Navotas City Police dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek.

“Hindi matatawaran ang sipag at dedikasyon ng ating mga kapulisan upang masugpo ang talamak na bentahan at paggamit ng ilegal na droga sa Kamaynilaan. Patuloy ang paglulunsad ng mga ganitong klaseng buy-bust para matukoy ang puno’t dulo ng lahat ng mga ilegal na gawain na may kaugnayan sa droga at kriminalidad” ani Danao.

NPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with