^

Metro

Imbitasyon ng Liberal Party inisnab’ ni Yorme

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mistulang inisnab ni Manila City Mayor Isko Moreno  ang imbitasyon ng Liberal Party nang sabihin nito na  nakatutok pa rin siya sa paghahanda  sa ‘bounce back’ ng siyudad sa oras na maabot na ang ‘herd immunity’ sa bansa.

Reaksyon ito ni Moreno sa imbitasyon ni Senador Kiko Pa­ngilinan para makipag-alyansa sa Liberal Party para sa darating na 2022 National at Local Elections.

“Wala muna akong ine-entertain na mga political na bagay.  All talks of coalition or any political talk is untimely and premature,” ayon kay Moreno.

Nakatutok umano siya sa pagpapabakuna sa 1.1 milyong Manilenyos sa kanilang 22 vaccination sites mula sa mga bakuna na sila mismo ang bumili at ang manggagaling sa nasyunal na pamahalaan.

“Looking forward hinahanda ko ang  Manila  para sa “Bounce Back” na inaasahan nating mangyayari ‘pag naka-herd immunity na tayo,” giit niya.

Samantala, sinabi naman ni Manila Chief of Staff Dr. Cezar Chavez na susunod ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin pa rin ang face shield sa indoor at outdoors.

Matatandaan na si Moreno ang nanawagan kamakailan na huwag nang gamitin sa labas ang face shield at para na lamang sa mga pagamutan.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with