98% ng natanggap na bakuna, naipakalat na sa NCR, iba pang lalawigan

Sa kasalukuyan, mayroong hawak ang bansa na 14.2 milyon, na ang halos 10.375 milyong doses ay naipamahagi na hanggang sa malalayong lalawigan.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nasa 98 porsyento ng COVID-19 vaccines na natanggap ng pamahalaan ang naipamahagi na sa National Capital Region at iba pang lalawigan.

Hindi pa kabilang dito ang kadarating pa lamang na Sinovac mula sa China, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Almost 98 percent has been distirbuted already but of course except the recently delivered supplies natin, ito po ay inaayos pa lang at uumpisahan pa lang dahil inantay po natin ‘yung certificates of acceptabi­lity ng EUA (Emergency Use Authorization) na ibinigay po na huli na Sinovac,” paliwanag ni Vergeire sa public briefing.

Sa kasalukuyan, mayroong hawak ang bansa na 14.2 milyon, na ang halos 10.375 milyong doses ay naipamahagi na hanggang sa malalayong lalawigan.

Nitong Huwebes (Hun­yo 17) nang dumating ang 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine, na sisi­mulang ipakalat sa Lunes.

Nakatuon naman ang pamahalaan sa pagsusuplay ng bakuna sa NCR at 8 pang virus-hotspots  na kinabibilangan ng Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal, at iba pang rehisyon na nagsisimula na ring tumaas ang CO­VID-19 cases. Samantala, tiniyak din ni Vergeire na napunuan na ang suplay ng COVID-19 vaccines sa Visayas at Mindanao.

Una nang sinabi ni Vergeire na nalagpasan na ng Visayas region ang pagtaas ng kaso ng virus sa Metro Manila at Min­danao.

Show comments