House-to-house na pagbabakuna, umarangkada sa Navotas

Sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na inu­una nila ngayon ang mga bedridden na senior citizens o mga may edad na hindi na kayang makapunta sa mga itinakdang mga vaccination sites.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Navotas City Government ang pagbabahay-bahay na pagbabakuna sa kanilang mga residente.

Sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na inu­una nila ngayon ang mga bedridden na senior citizens o mga may edad na hindi na kayang makapunta sa mga itinakdang mga vaccination sites.

Sa unang araw ay mayroong 30 mga senior citizens ang naturukan na ng bakuna na naninirahan sa Brgy. Tangos North at South.

Mula nang simulan ang pagpapabakuna ng mga nasa A5 category ay umaabot na rin sa 160 miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nabakunahan na.

Dagdag ni Tiangco, ang lahat ay dapat na mabig-yan ng  bakuna dahil paraan ito upang  maiwasan rin ang pagkalat pa ng virus.

Show comments