_ngayon
^
Ex-Mayor na nasa narcolist, nang-agaw ng baril ng escort, patay
Prinisinta ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang nasamsam na matataas na kalibre ng armas at cash money sa dating Mayor sa Maguin­danao na si Montasser Sabal na sinasabing nang-agaw ng baril ng pulis na naging sanhi ng kan­yang kamatayan.
Boy Santos

Ex-Mayor na nasa narcolist, nang-agaw ng baril ng escort, patay

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay sa mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kahapon ng umaga ang isang dating alkalde ng Talitay, Maguindanao nang agawin ang service firearm ng kanyang police escort habang patungo sa Camp Crame sa Quezon City, kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Montasser Sabal, alyas Sabal, dating alkalde ng Talitay, Maguindanao. Una itong naaresto sa Port of Batangas dahil sa pagkakasangkot sa kaso ng illegal drugs. Bukod dito suppliers din umano ito ng matataas na kalibre ng baril at pampasabog ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Batay sa report ni CIDG Director Police Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro kay PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, nasa San Juan City sila dakong alas-5:20 ng umaga at sakay ng mobile car patungo ng NCR Field Unit ng CIDG sa Camp Crame  nang biglang  agawin ni Sabal  ang baril ng  kanyang escort.

Idineklara itong dead-on-arrival sa San Juan Medical Center.

Nadakip kamakalawa ng gabi sa Batangas Port sa Batangas City si Sabal na sakay ng Reyna De Luna 4 matapos na makakuha impormasyon ang CIDG na darating ang  dating alkalde mula sa Mindanao.

Bukod dito anim pa niyang galamay ang dinakip din ng pulisya.

Dinakip ang dating alkalde sa bisa ng warrant  of arrest  sa kasong paglabag sa Republic Act 951, walang inirekomendang piyansa ang  korte habang  P200,000 naman sa RA 9165. Si Sabal ay nasa National Watchlist on Illegal Drugs (NWID).

Nakumpiska sa kanyang sasakyang Toyota Innova na may SOU 770 ang M16 A4 Colt AR 15 with serial no. ML63401; magazine for M16 A4; anim na live ammunition for M16 A4; isang Glock 23 9MM; apat na magazine ng Glock 23 9MM; 44 live ammunitionng Glock 23 9MM; isang granada; dalawang vehicle plates ng plate no. KAG 4091.

Nasamsam dito ang shabu na tumitimbang ng 201.917 grams at 156.365 grams na tinatayang aabot sa P2.5 milyon.

PNP-CIDG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with