_ngayon
^

Delivery services patuloy na ginagamit ng drug syndicate-PDEA

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inamin ni Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Wilkins Villa-nue­va na patuloy na gi­nagamit ng mga drug syndicate ang delivery at courier services para sa pagta-transport ng mga illegal drugs matapos ang pagtaas ng kaso ng drug trafficking sa bansa.

Ayon kay Villanueva, ka­ramihan sa mga nahuhuli nila sa anti-illegal drug ope­rations ay mga drivers ng delivery courier services na walang kamalay malay na kontrabando ang kanilang ide­deliber. Ito kasi ang na­kikita nilang mabisang paraan sa pagtransport ng mga droga para hindi agad agad mahuli.

Dagdag pa ni Villanueva ang paggamit ng delivery service platforms para mai- transport ang mga kontrabando ay siyang trend at modus ng mga drug syndicate sa kasalukuyan para tuloy pa rin sa pamamayagpag ang kanilang illegal drug trade.

Bunsod nito, lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) ang PDEA at Wallstreet Courier Services Incorporated o mas kilalang bilang Ninja Van sa pangu­nguna ni Mr. Martin Cu, Country Head ng Wallstreet Courier Services Incorporated. Layon nito na tugunan ang problema sa drug trafficking trend kung saan ginagamit ang mga delivery courier services.

Sa nasabing MOA, nagkasundo ang PDEA at Ninja van na magkaroon ng close coordination sa isat isa, magbigayan ng mga impormasyon para labanan at matigil na ang pagbiyahe ng mga dangerous drugs, or controlled precursor and essential chemicals (CPECs).

Kapwa nangako ang PDEA at Wallstreet na magtulungan para maiwasan at mapigilan ang express delive­ry, o transportation ng mga packages na nagla­laman ng illegal drugs or CPECs sa Philippine ter­ri­to­ry, kabilang dito ang pagkuha ng mga impormasyon, pag monitor sa mga suspected drug trafficking activities.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with