Corporate/industry vaccination, umarangkada na sa Valenzuela

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, kabilang ang mga factory wor­kers at ibang manggagawa sa A4 priority group na kuwalipikado na tumanggap ng COVID-19 vaccines.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang corporate o industry vaccination sa Valenzuela City na tinaguriang factory capital ng Metro Manila.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, kabilang ang mga factory wor­kers at ibang manggagawa sa A4 priority group na kuwalipikado na tumanggap ng COVID-19 vaccines.

Nabatid na gagamitin ang Pasolo Elementary School para sa corporate vaccination hanggang alas-10 ng gabi.

Nauna nang nagsagawa ng vaccination ang nasa 594 na industry-based workers ng 10 kumpanya sa Valenzuela noong Sabado.

Kaugnay nito ay hinihimok ng lokal na pamahalaan ang mga kumpanya at pabrika sa lungsod na magparehistro na sa vaccination program upang mabakunahan at maprotektahan ang kanilang mga manggagawa laban sa COVID-19.

Show comments