Higit P122 milyong shabu nasabat sa Las Piñas
MANILA, Philippines — Mahigit sa P122 milyon ang halaga ng shabu na nasamsam sa isang 23-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG), Armed Forces of the Philippines, Southern Police District at Las Piñas City Police Station sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Moses Joshua Esguerra, ng Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.
Ayon kay SPD Director P/Brig. General Jimili Macaraeg, dakong alas- 3:00 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation sa Block 8 Lot 1, PNB Homes, BF Resort, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.
Sa ulat, nagtulung-tulong ang mga operatiba para maaresto ang target na si Esguerra na nakumpiskahan ng nasa 18 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P122 milyon.
Narekober sa kaniya ang ilang bulto ng peke o boodle money na ginamit sa buy-bust operation na may kasamang isang genuine P1,000 bill.
Nakatakda nang sampahan ng reklamong paglabag sa Section 5, at 11 ng Republic Act 9165 si Esguerra sa Las Piñas Prosecutor’s Office ang nadakip na suspect.
- Latest