^

Metro

‘Di kikilala sa Philippine ID binalaan ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Di kikilala sa Philippine ID binalaan ng DILG
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga government officials o empleyado na tatangging tumanggap ng Phl ID card ay mahaharap rin sa lifetime ban sa paghawak ng anumang puwesto sa pamahalaan o employment sa gobyerno, kabilang na ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) at subsidiaries ng mga ito.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahaharap sa mabigat na kaparusahan o multang P500,000 ang sinumang tatanggi na tanggapin, kilalanin o i-acknowledge ang Philippine Identification Card o Philippine Identification System ID ng walang sapat na dahilan.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga government officials o empleyado na tatangging tumanggap ng Phl ID card ay mahaharap rin sa lifetime ban sa paghawak ng anumang puwesto sa pamahalaan o employment sa gobyerno, kabilang na ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) at subsidiaries ng mga ito.

Nabatid na inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng local government units sa bansa na tanggapin ang Phl ID card bilang single requirement sa lahat ng transaksiyon sa Pilipinas.

Hinikayat din niya ang pribadong sektor na ikonsidera ang national ID card bilang ‘sufficient proof of identity’ ng hindi na nanghihingi pa ng karagdagang identification document mula sa transacting public.

Ayon kay Año, ang Phl ID ay mayroon nang impormasyon ng rehistradong indibidwal, kabilang na ang kanyang larawan, buong pangalan, address, kasarian, marital status, at petsa ng kapanganakan, upang maestablisa ang kanyang identity.

 

vuukle comment

PHILIPPINE ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with