_ngayon
^
Dahil sa mataas na demand, bakuna sa Taguig kukulangin
Ang mga Senior citizen na may comorbidity at frontliners ay pumila sa Pinyahan Elementary School sa Lungsod ng Quezon sa pagpapatuloy ng inokulasyon ng bakuna sa Sinovac noong Abril, 14, 2021.
The STAR/Michael Varcas, file

Dahil sa mataas na demand, bakuna sa Taguig kukulangin

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malapit na umanong maubos ang supply ng bakuna sa Taguig City dahil sa pagdagsa ng bilang ng mga nagpapabakuna sa lungsod.

Dahil dito, nais ng talakayin ng lungsod sa national government ang supply ng mga bakuna upang mas maraming tao ang makinabang partikular ang A1 (frontliners), A2 (seniors), A3 (comorbidity) at A4 (essential workers) o manggagawa sa lungsod.

Ang mataas na demand ay dulot na rin ng madali at mabilis na pro­seso sa pag-rehistro at pagkuha ng appointment upang mapabakunahan ang mga nais mabakunahan.

Dahil sa rami ng nagpapabakuna, at halos wala o mababang numero ng mga tumatanggi, inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Taguig na makamit ang target na mabakunahan ang lahat ng residente sa darating ng Disyembre, kaugnay ito sa programang “road to zero.”Nitong nakaraang tatlong araw, nakapagtala ang lungsod ng 8,000, 10,000 at 11,000 na ­indibiduwal ang dumagsa at nabakunahan sa mga vaccination hub na nakapwesto sa iba’t ibang barangay sa lungsod, kasama na rito ang vaccination bus kung saan pinupuntahan nito ang iba’t ibang lugar sa siyudad upang mabigyan ng bakuna ang mas mara­ming mamamayan.

Halos zero ang dropout rate sa mga vaccination booking at schedule ang Taguig. Plano pa sa lungsod na itaas mula 6,800 na target kada araw na katao at gawing 8,000 katao kada araw ang babakunahan.

Patuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga mall sa Taguig kung saan mas komportable, ligtas at organisado ang mga tao.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with