_ngayon
^

Isko, Guevarra pinangunahan ang pagdiriwang ng Independence Day sa Maynila

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno at Justice Secretary Menardo Guevarra  ang pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Ermita, Manila nitong Sabado ng umaga.

Nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal matapos ang flag-raising ceremony.

Lumahok din naman sa programa sina Rene Esca­lante, tagapangulo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, at Cecille Romero ng Komite sa Pagpapaunlad ng mga Pambansang Liwasan.

Video message na lang ang ipinadala sa okasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte  na pinili sa selebrasyon sa Bulacan ng Indepen­dence Day nang  magtungo para sa pagpupugay sa iniambag na sakripisyo nina Gregorio at marcelo H. Del Pilar.

“The challenges of past years have tested our cha­racter as a nation. Each of us have been called upon to be heroes in our right, fighting for our survival and devoting ourselves to the common good just as our heroes did more than a century ago,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Pangulo.

“We will overcome the challenges brought by this pandemic,” aniya pa.

Habang isinasagawa ang okasyon ay pansamantala namang isinara ang Roxas Boulevard sa harap ng Rizal Park at may mga pulis din na ipinakalat sa lugar para magbantay sa Roxas Boulevard sa kanto ng T.M. Kalaw at sa may kanto ng Katigbak Drive

Samantala, itinulad naman ni Moreno ang frontliners ng lungsod sa mga bayani ng bansa  sa patuloy na sakripisyo ngayong nararanasang ang pandemya sa COVID-19.

“I know pagod kayo… ‘wag kayo bibigay dahil kailangan tayo ng taumbayan,

MENARDO GUEVARRA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with