_ngayon
^
2 pang vaccination site para sa A4, binuksan sa Makati
Ang vaccination site na binuksan nitong Biyernes ay matatagpuan sa San Lorenzo Place mall, sa Makati.
The STAR/Edd Gumban, file

2 pang vaccination site para sa A4, binuksan sa Makati

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binuksan na kahapon ang isa pa sa dalawang bagong vaccination sites sa Makati City upang makapag-accommodate sa inaasahang mas malaking bilang na magpapabakuna na kabilang sa A4 priority group, kumpara sa mga nakaraan.

Ang vaccination site na binuksan nitong Biyernes ay matatagpuan sa San Lorenzo Place mall, sa Makati.

Nitong nakalipas na Huwebes ay pinangunahan din ni Makati Mayor Abby Binay ang bagong inilaang vaccination site sa Glorietta 5 mall.

Ito’y sa pakikipagtulu­ngan ng pribadong sektor sa lokal na pamahalaan para mas mapabilis ang COVID-19 vaccination program, partikular ang Ayala Corporation at Megaworld Corporation.

“We have made these strategic partnerships with the private sector to accommodate the expected influx of vaccine registrants from the A4 category. We laud the Ayala Corporation and Megaworld Corporation for readily sharing their resources as we begin another critical phase in the Bakuna Makati mass vaccination program,” ani Mayor Abby.

Bukas mula alas -10:00 ng umaga ang vaccination sites sa ika-3 palapag ng Glorietta mall sa Ayala, Avenue na may target na 500 indibidwal na pre-registered sa online kada araw.

Sa ikalawang palapag naman ang San Lorenzo Place mall na matatagpuan sa panulukan ng Chino Roces Avenue at EDSA. Target naman dito ang hanggang 400 maturukan na kabilang sa A4 group.

Ani pa ng alkalde, patuloy pa rin ang pagbabakuna sa Makati Coliseum, Vax OTG sa Circuit Makati grounds, at iba’t iba pang vaccination sites sa mga pampublikong ospital at barangay para sa A1, A2 at A3 groups.

Sa Hulyo, inaasahan din ang pagdating pa ng isang milyong doses ng COVID-19 vaccines na binili ng Makati City government.

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng P1-bilyon para sa taong ito sa pambili ng bakuna sa ilalam ng Bakuna Makati program.

Una nang inanunsyo ni Mayor Abby ang pagbubukas ng registration site na makatibusiness.safemakati.com, para sa mga pribadong kumpanya na mairehistro ang kanilang mga manggagawa na kabilang sa A4 group.

COVID-19 VACCINE MAKATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with