^

Metro

COVID-19 patients sa PGH agad naihiwalay sa ibang pasyente

Pilipino Star Ngayon
COVID-19 patients sa PGH agad naihiwalay sa ibang pasyente
“We’re very aware na hindi mo pwede paghaluin. May sistema naman po ang PGH. Nahati namin ang PGH sa dalawa, may iniikutan lang na pathway ang COVID at non-CO­VID,” ayon kay Del Rosario.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Philippine General Hospital (PGH) spokesperson Dr. Jonas del Rosario na agad na naihiwalay nila ang mga pasyente na may COVID-19 sa iba nilang mga pasyente sa gitna ng pagsiklab ng sunog sa isa nilang gusali nitong Linggo ng madaling araw.

“We’re very aware na hindi mo pwede paghaluin. May sistema naman po ang PGH. Nahati namin ang PGH sa dalawa, may iniikutan lang na pathway ang COVID at non-CO­VID,” ayon kay Del Rosario.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nasa 500 pasyente na nakaratay sa naturang gusali ang kanilang inilikas kabilang na ang 156 COVID-19 patients.

Pansamantala namang isasara ang emergency room ng PGH dahil dito dinala ang marami sa mga pasyente na inilikas.
Samantala, kabilang ang mga bagong silang na sanggol ang inilipat muna sa ibang ospital.

May 12 pasyente mula sa PGH Neonatal Intensive Care Unit (NICU) ang tinanggap ng Sta. Ana Hospital, 2 pasyenteng isasailalim dapat sa appendectomy sa PGH ang inilipat sa Ospital ng Maynila at apat na sanggol ang inilipat naman sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Hospital.
Umapela ng tulong ang PGH sa publiko partikular ang donasyong industrial fans at oxygen tanks habang tumatanggap din ng in-kind at cash donations, ayon sa pahayag ng ospital sa official Facebook page nito.

Maaaring tawagan o i-text sina Julius Cantiga sa 0935-272-3228 o Renee Co sa 0923-479-1867 para sa mga katanungan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with