^

Metro

OCTA: Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba ng 30%

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
OCTA: Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba ng 30%
Mula Mayo 9 hanggang Mayo 14, nasa average lamang na 1,644 ang mga bagong kaso sa bawat araw.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Bumaba sa 30 porsyento ang naitala kada-araw na bagong kaso ng  COVID-19  sa Metro Manila sa nakalipas na linggo, ayon sa OCTA Research group nitong Sabado.

Mula Mayo 9 hanggang Mayo 14, nasa average lamang na 1,644 ang mga bagong kaso sa bawat araw.

Ang reproduction number o hawaan naman ng se­condary infections mula sa solong kaso (single case) sa National Capital Region (NCR) ay bumagsak din sa 0.57 habang ang positivity rate naman ay bumaba rin sa 12 porsyento.

Sa nakaraang ulat ng OCTA Research na may petsang Mayo 9, nagkaroon lamang ng 0.67 reproduction number at 14 percent positi­vity rate ang Metro Manila.

Ang average daily attack rate (ADAR) naman sa kabuuan ng NCR ay bumaba rin sa 11.91 sa kada 100,000.

Ang pinakamababang ADAR ay nairekord sa Navotas, Malabon, Manila, at Caloocan na may mababa sa 10 kada 100,000, kaya’t nailagay na sa ang mga nabanggit na lugar sa mo­derate risk.

vuukle comment

OCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with