^

Metro

2 ‘tirador’ ng kawad, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaktuhan at naa­resto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaki na pumuputol at tumatangay sa mga kable ng kuryente sa mga pampublikong lugar kamakalawa ng hapon sa may Jones Bridge sa Maynila.

Kinilala ang mga nadakip na sina Rommel Balais, alyas Jay, 22 at Allan Jalandoni, 38.

Sa ulat ng Ermita Police Station 5, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Lawton Police Community Precinct na sina P/Cpls Rex Macarubbo at Jonie Manuel sakay ng mobile car dakong ala-1 ng hapon nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na abala sa pagputol ng kawad ng kuryente.

Nagawang masakote ng mga pulis ang dalawang suspek bago pa man sila tuluyang makatakas.  

Ayon sa pulisya, isa sa problema nila ang mga magnanakaw na tumatangay ng mga kawad at parte ng mga dekorasyon na inilalagay sa mga importanteng lugar sa Maynila. 

Matatandaan na ipinagawa ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga palamuting lamp post sa Jones Bridge na nawawalan ng kuryente dahil sa mga kawatan.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with