^

Metro

Vendor tinodas ng biyenan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Vendor tinodas ng biyenan
Sa ulat ni P/Corporal Arvin Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:15 ng madaling araw kamakalawa ay nakita pang nag-iinuman ang magbiyenan sa labas ng kanilang bahay nang mauwi sa pagtatalo ang pasaring umano ng biktima sa suspek.
STAR/File

MANILA, Philippines — Napatay sa saksak ng sariling biyenan ang isang 42-anyos na vendor, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Domingo Cinco, alyas Andy, ng San Pedro St., Balut, Tondo, Maynila.

Nakatakas naman ang suspek na kinilalang si Forodencio Tupada, 63, na kasama sa bahay ng biktima.

Sa ulat ni P/Corporal Arvin Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:15 ng madaling araw kamakalawa ay nakita pang nag-iinuman ang magbiyenan sa labas ng kanilang bahay nang mauwi sa pagtatalo ang pasaring umano ng biktima sa suspek.

Naawat pa ng mga kaanak ang pag-aaway ng dalawa hanggang sa pumasok na sila ng bahay para magpahinga,

Hindi nagtagal ay lumabas muli ng bahay ang biktima at natulog sa nakaparadang tricycle sa labas, na lingid sa kaniya ay nakasunod ang suspek na armado na ng patalim kung saan siya sinaksak habang natutulog.

Ayon kay Bautista, ang suspek ay matagal na nawala sa kaniyang pamilya at hindi pa nagtatagal na lumutang para sa anak na maybahay ng biktima.

Kinupkop umano ang suspek sa bahay at sa kawalan ng trabaho ay umaasa lang ito sa mag-asawa.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with