MANILA, Philippines — Pinaghahanda ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang kanyang mga tauhan ng detention facilities para sa mga maaarestong pasaway sa maling pagsusuot ng face mask.
Ayon kay Eleazar, mahigpit ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga lalabag sa pagsusuot ng face mask bunsod ng pandemyang kinahaharap ng bansa.
Subalit nilinaw ni Eleazar na paiiralin ang physical distancing sa detention facilities kung saan maari lamang ikulong ang violators sa loob ng 12 oras.
Binigyan diin ni Eleazar na may bilin siya sa kanyang mga tauhan na ipatupad ang maximum tolerance sa pag-aresto ng mga violators at paalalahanan sa kanilang mga paglabag.Giit ni Eleazar, makikipag-ugnayan sila sa mga barangay offcials para sa posibleng lugar na pagtatayuan ng mga detention facilities sa kanilang mga nasasakupan. Posible ring magkulang ang mga detention facilities kung patuloy na lalabag sa batas ang publiko sa paggamit ng face mask.
Nananatiling nasa Modified Enchanced Community Quarantine ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang sa Biyernes May 14.