_ngayon
^
POGO worker 2 Chinese, 4 Pinoy arestado
Kinilala ni Parañaque Police chief, P/Colonel Maximo Sebastian, Jr. ang mga suspek na sina Chen Shiduan, 47; Chen Lianxing, 37; Joseph Cardona, 52; Benedicto Manicad, 48; Raphael Milang, 37, at Nida Bagtas, 49.
STAR/ File

POGO worker 2 Chinese, 4 Pinoy arestado

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Anim katao kabilang ang dalawang Chinese at apat na Pinoy ang nadakip ng mga tauhan ng Parañaque Police matapos na dukutin ang isa ring Chinese na POGO worker kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Nasagip naman ang biktima na kinilalang si  Li Le Le, 20, nakatalaga sa POGO Customer Service at residente ng Bayport West, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Kinilala ni Parañaque Police chief, P/Colonel  Maximo Sebastian, Jr. ang mga suspek na sina Chen Shiduan, 47;  Chen Lianxing, 37;  Joseph Cardona, 52;  Benedicto Manicad, 48;  Raphael Milang, 37, at Nida Bagtas, 49.

Sa ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Major General Vicente Danao Jr., nagpasaklolo ang ilang POGO wor­kers sa Parañaque Sub-Station 3 hinggil sa kaibigan nila na ikinulong ng ilang indibiduwal sa 19th floor ng Wa­shington Tower Marina Bay, sa Barangay Don Galo.

Agad nakipag-ugna­yan sa mga opisyal ng barangay ang mga pulis at dakong alas-9:00 ng gabi nang salakayin ang lugar na nagresulta sa matagumpay na operasyon.May iba pang kasabwat na suspek ang patuloy na tinutugis.

“We thank the public for their increasing support and confidence gi­ven to our police. Through your cooperation and accurate reports, we get our work done efficiently and more suspects are ­arrested,” ani Danao.

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with