_ngayon
^
Kelot dumayong mag-swimming, nilamon ng dagat
Walang malay na isinugod sa Pio Duran District Hospital pero ideneklarang dead on arrival ang biktimang si Anthony Lachica Maritana residente ng Brgy. San Rafael, Guinobatan.
STAR/ File

Kelot dumayong mag-swimming, nilamon ng dagat

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

PIO DURAN, Albay, Philippines - Hindi na umabot nang buhay ang isang 32-anyos na lalaki matapos na malunod ito habang nagsu-swimming sa Sabalboro Beach Resort sa Sitio Cagbatano, Brgy. Malidong ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Walang malay na isinugod sa Pio Duran District Hospital pero ideneklarang dead on arrival ang biktimang si Anthony Lachica Maritana residente ng Brgy. San Rafael, Guinobatan.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon kasama ang ilang kamag-anak ay dumayo para mag-swimming ang biktima sa beach resort.

Gayunman, ilang sandali ay natagpuan ito ng mga kasamahang walang malay sa ilalim ng dagat na posibleng nalunod dahilan para mabilis na isinugod pero patay na nang dumating.

PIO DURAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with