_ngayon
^
Kelot itinumba habang nagbibisikleta
Nakilala ang nasawi na si Abraham Damil, 30, ng A. Gonzalo Street, Malate at kabilang umano sa drug watchlist ng kanilang barangay.
STAR/ File

Kelot itinumba habang nagbibisikleta

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na miyembro umano ng ‘Commando Gang’ ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin habang nagbibisikleta sa may Malate, Maynila nitong Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Abraham Damil, 30, ng A. Gonzalo Street, Malate at kabilang umano sa drug watchlist ng kanilang barangay.

Sa ulat ng Manila Police District, naganap ang krimen dakong alas-4:40 ng hapon sa may kanto ng C. Tuazon Street at San Andres sa Malate kung saan nagbibisikleta ang biktima para bumili ng pagkain nang bigla siyang pagbabarilin ng gunman.

Agad na nasawi ang biktima habang mabilis na tumakas ang gunman na inilarawan ng mga nakasaksi na nakasuot ng kulay black-gray jacket, shorts, pulang sumbrero. Nakasuot din siya ng face mask kaya hindi namukhaan ng mga saksi.

May teorya ang pulisya na maaaring may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpaslang kay Damil.  Nagsasagawa pa sila ng dagdag na imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

ABRAHAM DAMIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with