^
60K reklamo natanggap ng DILG sa ECQ cash aid
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa kabuuang 59,669 reklamo na kanilang natanggap, 24,421 ang na­resolba na, habang 39,781 pa ang under deliberation, kabilang na ang ilang nai-endorso na sa mga concerned agencies.
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr.

60K reklamo natanggap ng DILG sa ECQ cash aid

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatanggap ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng halos 60,000 na reklamo na pawang may kaugnayan sa cash aid na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga mamamayang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinairal sa NCR Plus areas mula Marso 29 hanggang Abril 11.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa kabuuang 59,669 reklamo na kanilang natanggap, 24,421 ang na­resolba na, habang 39,781 pa ang under deliberation, kabilang na ang ilang nai-endorso na sa mga concerned agencies.

Sinabi ng kalihim na target nilang maresolba ang lahat ng naturang reklamo bago sumapit ang May 15 extended deadline para matapos ang distribusyon.

Matatandaang P22.9 bil­yon ang inilaan ng pamahalaan bilang financial assistance sa mga residenteng apektado ng ECQ sa NCR Plus areas na kinabibilangan ng National Capital Region, Bulacan, Ca­vite, Laguna, at Rizal.

Sa ilalim ng programa, bawat residenteng naapektuhan ng ECQ ay dapat makatanggap ng P1,000 o maximum na P4,000 kada pamilya.

Sinabi ng DILG chief na sa ngayon ay 74.35 porsiyento na ng halaga ang natapos nang ipamahagi sa may 17,037,122 indibiduwal.

Mayroon lamang namang hanggang Mayo 15 ang mga local government units sa mga naturang lugar na tapusin ang distribusyon ng cash aid.

Matatandaang una nang nagtatag ang DILG ng Joint Monitoring and Inspection Teams na siyang tutugon sa mga reklamo at hinaing ng mga residente na may kinalaman sa financial aid.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with